Lately, napansin kong sobrang naaaliw talaga ako sa mga Asianovelas at mga cute na Korean films. Masarap kasing matawa lang (maiyak minsan) sa mga kakatuwang characters. Kapag nanonood ako ng Asianovelas nabablangko ang isip ko. Napapahinga ako sa bigat ng trabaho, problema ng bansa, problema sa sarili, problema sa pera at ano pang klaseng problemang naimbento.

MG

Narediscover ko ang Meteor Garden hindi dahil sa pagpapalabas nitong muli sa kabilang istasyon kundi dahil sa nahiram naming vcds na Tagalized version. Kaya ngayon napapakanta akong muli ng “Oh baby baby baby.” Kinikilig ako sa away-bati-away-bati nina San Cai at Dao Ming Si. Naa-amaze ako sa pagiging autistic at the same time intuitive ni Hua Ze Lei. Sa mga musings ng mga tao, napansin kong may lalim din pala ang Meteor Garden.

Nabaliw din ako sa Full House bago nito. Kahit sa palagay ko mas cute si Luigi kay Justin, okay lang. Kilig pa rin.

fullhouse

Ang tatay ko naloloka sa All About Eve. Totoo. Adik ang tatay ko sa pagpanood ng mga DVDs. Proof nito, kaya niyang panoorin ang anim na pelikula sa isang araw. Movie marathon talaga. Minsan inaya ko siya, “Pa, nood tayong DVD.” Sagot ba naman, “Di ba tayo manonood ng All About Eve?” So sige pagbigyan ang layaw. Naaliw din naman ako.

Sa Quiapo, nagsa-scout talaga ako ng mga Korean films. Mayroon na ko ng phenomenal na My Sassy Girl, Windstruck at isang bonus movie na My Crazy Love. Three in one pirated dvd at P100. Not bad.

sassy

Si BR na kasama ko sa bahay may pinapanood din sa aming dalawang Korean films. Yung isa ay How to Keep Your Love starring the actress in Lover in Paris. Di ko napanood ang Lovers in Paris pero masaya rin ang pelikulang ito.

At alam niyo bang, sexy star pala sa Korea itong si Luigi ng Full House? Totoo. Shocked din ako nang makita ang kanyang overexposed butt sa pelikulang The Sweet Love and Sex.

Minsan napag-usapan namin ni BR kung bakit patok na patok ang mga Asianovelas sa atin. Naisip ko dahil mas malapit ang kultura at ugali natin sa iba pang Asyano. Madalas magaan din ang treatment ng storya ng mga Asianovelas. Hindi mabigat panoorin. Pag komedi, komedi talaga at pag drama naman over sa kadramahan.

Ayoko sa escapist mode na dinudulot ng media. Alam kong imbes na nasosolusyunan ang problema ay nadedelay lang dahil sa pagiging escapist ng tao. But to keep me sane, kailangan ko to.

Jologs na kung jologs. Sabi nga ni Diether Ocampo sa NU107 Rock Awards, lahat naman tayo jologs.

Join the Conversation

8 Comments

  1. Suyin: di pa. pero nakakita ako ng original vcd niyan. pag nakapag-mall ako minsan hahanapin ko ulit. salamat sa pagbisita. 🙂

  2. elowww po…. meron po ba kayong alam tagalized version ng full house? vcd po…. reply po… addict kasi me sa full house…. thanksssssss……… God Bless!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.