Pakiramdam ko palagi na lang akong bumabyahe. Mula bata pa talagang makati na ang mga paa ko. Ilang oras din sa bus ang tinitiis ko kasama ang usok, pawis, init, libag, lagkit, pagod at gutom para lang makarating sa patutunguhan, kung saan man yun.

Kahapon, bumiyahe na naman kami ni Ederic. Tila sinuyod naming dalawa ang buong Luzon sa tagal ng byahe. Mula Norte tumungo kami sa Taal, Batangas. Pakiramdam ko tuloy tinubuan na ako ng kulani sa puwet sa tagal ng pagkakaupo sa bus.

Old Spanish House


Sa pagkakataong ito, hindi pasyal o kasiyahan ang pakay namin. Bibisitahin namin ang tiya niyang may sakit. Pero siyempre, tipikal na pinoy, di pa rin namin matiis hindi mag-feeling dayuhan sa lugar na iyon lalo pa?t ang gaganda ng mga bahay sa paligid. Yung mga tipong mga nakikita mo lang sa libro o kaya sa horror movie gaya ng Bahay ni Lola. Parang na-time warp ang lugar na iyon. Kulang na lang makasalubong namin ang mga gwardya sibil.

Simbahang Bato

Hindi biro ang bumyahe lalo na’t madalas hindi mo alam ang lugar na pinupuntahan mo. Pero kahit ganito, masarap pa ring bumyahe dahil alam mong nuknukan man ng layo, makakarating ka rin.

Byahe

Join the Conversation

6 Comments

  1. vigan? 🙂

    kainggit! the visit may not exactly be your usual social call but the view more than makes up for it — i hope 🙂

  2. Taal, Batangas po yan. I haven’t been to Vigan but I figure the houses look the same. Thanks for visiting. 🙂

  3. ala eh, di pa pala ako nakakarating diyan. kaya pala napadaan kayo sa La Salle Lipa. 🙂

    hope to videoke with y’all soon.

  4. hey kat! i read your blog about the pahiyas festival. ganda. di pa ko nakakapunta pero pag nakikita ko, natutuwa akong sa pilipinas ako nakatira despite the terrible heat. napakakulay talaga ng bansa natin!:smile:

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.