I was cleaning some stuff when I found this one I wrote back in May of 2005. I don’t actually write a lot in Filipino. This one’s untitled.

Minsan, sinusubukan ng panulat kong
magtae ng mga salita.
Pilit hinahasa ang bolpen,
sinasaid ang tinta.

Karaniwan, gusto kong ubusin
ang mga pahina ng aking notbuk.
Kayurin nang husto ang manipis
ngunit pinong papel.

Ngunit madalas sa hindi,
hinihila ako ng pangangailangan
ng trabaho, pag-aaral,
ng aking pamilya.

Madalas sa hindi,
iniisip ko muna ang mga
asayment, kalechehan sa trabaho,
ang ibabayad sa kasera ko.

Madalas sa hindi,
nauuna ang iba kaysa
mga tema, scenario, dayalogo
at anumang kapritsuhan ko.

Kaya pagbuklat pa lang ng notbuk,
pagpatak ng unang tinta,
pagtikatik ng mga ideya,
sumusurender na ang mga salita.#

Join the Conversation

2 Comments

  1. galeng galeng naman ate mhay! di ko na kaya magsulat ng ganyan ngayon. namiss ko tuloy yung “###” after every article. mga pichur pichur na lang “creative outlet” ko ngayon. life.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.