Dead Tired

I just feel so tired. Pakiramdam ko humahangos ako sa dami ng trabahong nakatambak. Ang column ko sa Tinig na pinangako kong gawin kahapon, ayun at puro ideya pa lang. Ang post ko sa kabilang website, hanggang ngayon wala pa ring laman. Buti na lang at nagawa ko na ang reaction paper para sa online class ko. Nararamdaman ko na ang bigat sa likod ko. Nararamdaman ko na rin ang pasulpot-sulpot na pag-atake ng katamaran. At mukhang nagbabadya pa ang isang matinding sipon.

Sabi nga sa isang flop na massacre movie, Lord have mercy (eksena habang nakaluhod, nakatingin sa langit at bumubuhos ang ulan).

2 Comments

  1. wawa ka naman, myla.:cry: kaya simangot ikaw kanina. donwori, andiyan naman tamtam. nood bente-kuwatro para sa iyo.:lol:

  2. mother goose, salamat. pasensya na sa biglaang pag-absent. sabi ng doktor may acute tonsilitis daw ako at may nana (eeeww) ang tonsils ko. 🙁

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.