Slug: Isang araw sa buhay newsrum
Kalaboso ang isang reporter na tawagin na lang nating si J (di niya tunay na pangalan) sa krimeng hindi pagbabasa ng assignment sheet. Depensa ni J, hindi raw niya alam na mayroon nito. Dahil dito, naalarma na ngayon ang mother superior dahil sa dumaraming insidente ng mga walang pakialam sa kanilang istorya. Dulot nito ay nagpalabas ng order ang pinuno ng grupong Bella Flores na hindi na tatawagan ang sinumang reporter para alamin kung batid na nila ang istoryang bubuuin nila. Kaakibat nito ay hahayaan na rin daw ang mga reporter na mag-isip ng istorya nila. Tutal naman daw, ‘the fame is theirs’.
Samantala, nagkainitan ang isang taga-desk at isang P.U.M. ng news van dahil sa pagpapaalaman ng set-up. Umabot sa murahan at bagsakan ng telepono ang kanilang mainit na pagtatalo. Bumubula pa sa galit na ikinwento ni O na hindi raw kasi ipinaalam ng desk sa pamunuan ng Bundok Arayat na magseset-up sila sa tuktok nito. Dahil dito ay sinugod umano sila ng mga neps sa paligid dahil napagkamalan silang militar.
Sa iba pang balita, balak na umanong magresign ni Ms. T, secretary of news desk at pinuno ng mga Bella Flores dahil sa umanoy pressure na nanggaling mula kay Pangulong J-MA. Hindi na raw kasi matiis ni Ms. T ang panghaharbat ng kapangyarihan ni Pangulong J-MA. Inirereklamo rin ni Ms. T na nagkakapigsa na siya sa puwet dahil hindi raw siya makapagsabon nang husto dahil sa minu-minutong pagtawag ng pangulo sa kanya para makibalita. Nagpoprotesta naman ang mga kasapi ng Samahang Bella Flores Forever o SBFF. Hindi raw sila makakapayag na mawala sa pwesto ang kanilang pinuno. Isang mass resignation umano ang napipinto nilang gawin kapag umalis sa pwesto si Ms. T.
Sa chikka minute, relasyong Quark at Pong Pagong, umasim nga ba? Tila namatay na lang daw ang relasyong Quark at Pong na nauna nang napabalitang madalas lumabas at mag-date. Kwento kasi nitong si Pong, hindi raw niya matiis ang below-sea-level consciousness nitong si Quark at madalas ay natutulala siya sa ka-engotan nitong huli.
Para sa mga nagbabagang balita at chikka, laging tumutok sa blog na ito. Dahil minsan nababaliw din ang tagapagbalita!
Sots (soundbytes): J, Ms. T a.k.a. Mother Bella, O, Pong Pagong
Sitners: exclusive action sitners, buntalan, murahan (please bleep), iyakan, bagsakan ng telepono
hulaan namin ang mga karakter sa islays op layf episode na ito? ehehehehehe.
ei, you found me. =)
haha, nakakatawa sobra.
hi mhay! nakiki silip lang. nakakatuwa ang mga posts mo 😉 pwede ba kita i link? kaibigan nga pala ako ni ederic. 😉
hi suyin! yep, surely. salamat sa pagbisita. ililink din kita.
hahaha! nakakatawa ka mhay! ang galing hhehehe
😆
sobrang natawa ako dear!
pangheadwriter ng 24 at saksi ang arrive 🙂
casino games – 8.8 percent ? the tax rate for california corporations ? of their casino earnings to . and also games now banned in the state, including craps and roulette